Sa harap ng grabeng tagtuyot sa Biyetnam, ipinahayag kamakalawa, Marso 15, 2016, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina na mula Marso 15 hanggang Abril 10, 2016, sa pamamagitan ng Jinghong hydropower station sa probinsyang Yunnan, isasagawa ng Tsina ang pangkagipitang pagsuplay ng tubig sa mababang bahagi ng Mekong River.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Pham Thu Hang, Pangalawang Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Biyetnam, ang pagtanggap tungkol dito.
Lubos ding pinapurihan kahapon, Marso 16, 2016, ng Vietnam Television (VTV) ang naturang aksyon ng Tsina. Tinukoy din nito ang pagpapahalaga ng pagpapalakas ng kooperasyon sa Mekong River sa yamang tubig.
Salin: Li Feng