Ipinatalastas ngayong araw, Marso 17, 2016, ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Unang Summit ng Kooperasyon ng Lancang-Mekong River ay idaraos sa ika-23 ng buwang ito sa Sanya sa lalawigang Hainan ng Tsina.
Sa paanyaya ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, dadalo sa pulong na ito ang mga lider ng Cambodia, Vietnam, Laos, Thailand at Myanmar.
Ayon sa kanya, tatalakayin ng mga lider ng 6 na bansa ang hinggil sa konstruksyon ng mekanismo ng kooperasyon sa Lancang-Mekong River, komprehensibong kooperasyon sa sub-region ng Mekong River at integrasyon ng rehiyong ito.