Nagpadala kamakalawa, Marso 15, 2016 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng mensaheng pambati sa panunungkulan ni Htin Kyaw bilang Pangulo ng Myanmar.
Ipinahayag ni Pangulong Xi na optimistiko ang Tsina sa pagtatamo ng Myanmar ng mas malaking tagumpay sa konstruksyon at pag-unlad ng estado sa hinaharap, sa pamumuno ng bagong pangulo. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Myanmar para mapasulong ang malusog at pangmatagalang estratehikong partnership ng dalawang bansa at mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan nito.