Nilagdaan kahapon, Lunes, ika-21 ng Marso 2016, sa Beijing ng Tsina at Nepal ang memorandum of understanding hinggil sa pagsisimula ng pag-aaral sa pleksibilidad ng kasunduan sa malayang kalakalan ng dalawang bansa. Ito ay magpapabilis sa pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at Nepal.
Nang araw ring iyon, nag-usap sa Beijing sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at dumadalaw na Punong Ministro Khadga Prasad Sharma Oli ng Nepal.
Binigyang-diin ng kapwa panig ang kahalagahan ng pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at Nepal. Ipinahayag din nila ang kahandaang ibayo pang palalimin ang pagkakaibigan ng dalawang bansa, at palawakin ang pagtutulungan sa iba't ibang aspekto.
Salin: Liu Kai