Inaprobahan kahapon, Lunes, ika-21 ng Marso 2016, ng Parliamentong Pederal ng Myanmar, ang plano ng pagbuo ng gabinete ni bagong halal na Pangulong Htin Kyaw.
Ayon sa planong ito, magkakaroon ng 21 departamento ang bagong pamahalaan ng Myanmar, na mas kaunti kaysa kasalukuyang 36 na departamento ng kasalukuyang pamahalaan.
Kaugnay nito, nilinaw ni Htin Kyaw sa mga mambabatas na hindi niya babawasan ang bilang ng mga manggagawa ng pamahalaan. Pero aniya, gusto nilang magtipid sa gugulin ng pamahalaan, para ipauna ang mga gawain hinggil sa edukasyon, medicare, at kaunlaran.
Salin: Liu Kai