|
||||||||
|
||
Ipinangako ni Chester ang ganap na pagsusuri sa nasabing mga pinaghihinalaang labi.
Idinagdag pa niyang ang mga dalubhasa mula sa Australia, Malaysia, Boeing at iba pa ay magsisiyasat kung galing ang mga piraso sa iisang eroplano at kung oo, makukumpirma ang kaugnayan ng mga ito sa nawawalang Flight MH370.
Ipinagdiinan din ni Chester na dahil sa maselan at mahigpit na pagsusuri, hindi posibleng hulaan kung gaano katagal ang pagsisiyasat.
Noong ika-8 ng Marso, 2014, nawala ang Boeing 777-200 aircraft habang lumilipad mula Kuala Lumpur, Malaysia papuntang Beijing, Tsina. Ito ay may sakay na 239 na pasahero at 154 sa mga ito ay Tsino. Noong ika-29 ng Enero ng 2015, ipinatalastas ng Kawanihan ng Abiyasyong Sibil ng Malaysia na bumagsak ang nasabing eroplano, at nasawi ang lahat ng pasahero.
Sa kasalukuyan, patuloy na nangunguna ang Malaysia, Australia at Tsina sa magkakasamang paghahanap sa Southern Indian Ocean, kung saan pinaghihinalaang nawala ang masawing-palad na eroplano.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |