Sanya, Lalawigang Hainan ng Tsina—Miyerkules, ika-23 ng Marso 2016, hawak ang kawayan na may lamang tubig mula sa Lancang-Mekong River, magkakasamang ibinuhos ng mga lider ng Tsina, Thailand, Kambodya, Laos, Myanmar, at Biyetnam ang tubig sa iisang sisidlan. Ang seremoyang ito na sumasagisag sa temang "Shared River, Shared Future" ay palatandaan ng pormal na pagsasaoperasyon ng mekanismo ng Lancang-Mekong Cooperation.
Kalahok ang nasabing mga lider sa Unang Lancang-Mekong Cooperation Leaders' Meeting sa Sanya, Tsina.
Ang Mekong ay nagsisimula sa Tsina at tinatawag itong Lancang ng mga mamamayang lokal.
Salin: Vera