Ayon sa isang pahayag na ipinalabas kahapon, Marso 23, 2016, ng Magkakasanib na Sentrong Tagapagkoordina ng Australia sa Paghahanap ng Flight MH370, sinabi nito na kasalukuyang sumasailalim sa mataimtim na pag-aanalisa ng mga dalubhasa ang natuklasang piraso ng eroplano sa Mozambique. Ito ay naglalayong tiyakin kung nagmula o hindi ang dalawang piraso sa nawawalang Flight MH370.
Ipinahayag din nito na hanggang sa ngayon, sa search operation na dapat isagawa sa 120 libong square kilometers, natapos na ang 95 square kilometers. Anito, tinatayang magtatapos ang nalalabing gawain ng paghahanap sa kalagitnaan ng kasalukuyang taon. Kung walang makikitang mas malinaw na ebidensya tungkol sa naturang eroplano matapos ang paghahanap, hindi na pag-iibayuhin ang saklaw ng paghahanap.
Salin: Li Feng