Ayon sa Xinhua News Agency, sa okasyon ng ika-2 anibersaryo ng pagkawala ng Flight MH370 ng Malaysia Airlines, ipinahayag kahapon, Marso 8, 2016, ng Malaysia na mayroon itong kompiyansa sa paghahanap ng eropkanong ito. Ipinangako rin ng Australia na magsisikap hangga't makakaya para hanapin ang eroplano.
Sa isang pahayag, sinabi kahapon ni Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia, na ang natuklasang debris sa Reunion Island noong Hulyo, 2015, ay ibayo pang nagpapakita ng pagbagsak ng MH370 sa South Indian Ocean. Aniya, ayon sa pagtaya, magtatapos ang search operation sa kasalukuyang yugto sa huling dako ng kasalukuyang taon, at may kompiyansa pa rin ang kanyang bansa sa pagtuklas ng nasabing eroplano.
Sa isa namang pahayag, ipinahayag kahapon ni Darren Chester, Ministro ng Imprastruktura at Komunikasyon ng Australia, na ipinangako ng kanyang bansa na gumawa ng pinakamalaking pagsisikap para hanapin ang MH370 para mabigyang-resulta ang mga kamag-anakan ng mga nawawalang pasahero.
Salin: Li Feng