Idineklara kahapon, Marso 24, 2016, ni Mahn Win Khaing Than, Pangulo ng Parliamentong Pederal ng Myanmar, ang siyam (9) na napiling hukom ng bagong hukumang konstitusyonal ng bansa. Kabilang dito, magkakahiwalay na ini-nominate nina bagong halal na Pangulong Htin Kyaw, Pangulo ng Mababang Kapulungan, at Pangulo ng Mataas na Kapulungan, ang tatlong miyembro. Si Myo Nyunt, na ini-nominate ng Pangulo ng Mababang Kapulungan, ay napili bilang punong hukom ng nasabing hukuman.
Sinabi ni Mahn Win Khaing Than na kung walang pagtutol bago ang alas-kuwartro ngayong hapon, Marso 25, 2016 (local time), boboto sa darating na Lunes ang Parliamentong Pederal para aprobahan ang bagong hukumang konstitusyonal na bubuuin ng siyam na hukom.
Salin: Li Feng