Nang kapanayamin kamakailan sa panahon ng kanyang paglahok sa Unang Lancang-Mekong Cooperation Leaders' Meeting sa Sanya, Tsina, ipinahayag ni Punong Ministro Thongsing Thammavong ng Laos, na ang Lancang-Mekong cooperation ay modelo ng bagong relasyong pandaigdig na may mutuwal na kapakinabangan at win-win result.
Binati muna ni Thammavong ang matagumpay na pagdaraos ng naturang pulong. Sinabi niyang sa mga dokumentong ipinalabas sa pulong, inilakip ang komong hangarin ng 6 na bansa sa Lancang-Mekong River para sa pag-unlad, at kanilang mga industriyang pangkooperasyon na may priyoridad. Ito aniya ay isa sa mga mahalagang bunga ng pulong na ito.
Pinasalamatan din ni Thammavong ang Tsina sa pagpapalabas ng mga patakarang preperensyal sa mga bansa sa Mekong River. Aniya, ang mga tulong ng Tsina ay magpapabilis sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng iba't ibang bansa, magpapataas sa lebel ng pamumuhay ng mga mamamayan, at magpapaliit ng agwat sa pag-unlad ng iba't ibang bansa. Ito rin aniya ay kakatig sa mga usapin ng ASEAN Community.
Salin: Liu Kai