Inialay ngayong araw, March 23, 2016, ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mga hybrid rice bilang relago sa mga lider ng limang bansa sa kahabaan ng Mekong River na kinabibilangan ng Biyetnam, Laos, Myanmar, Cambodia, at Thailand.
Bukod dito, sinabi ni Li na kinakatigan ng panig Tsino ang pagpasok ng mga hybrid rice sa mga bansa sa paligid ng Mekong River
Kalahok ang mga lider ng nasabing anim na bansa sa Unang Lancang-Mekong Cooperation Leaders Meeting sa Sanya, Hainan province ng Tsina.
Nang araw ring iyon, magkasamang bumisita ang mga lider sa pagtatanghal ng mga kooperasyon ng bansa sa kahabaan ng Lancang-Mekong River para malaman ang kalagayan ng mga kooperasyon ng mga bahay-kalakal ng Tsina at naturang limang bansa sa mga larangan na gaya ng daambakal, digital products, manufacturing, at agrikultura.
Ang Mekong ay nagsisimula sa Tsina at tinatawag itong Lancang ng mga mamamayang lokal.