|
||||||||
|
||
Ngayong araw, ika-28 ng Marso, 2016 ay ika-57 anibersaryo ng kalayaan ng humigit-kumulang isang milyong aliping Tibetano.
Bilang paggunita sa nasabing makasaysayang pangyayari, inilabas ng China Central Television (CCTV) nitong nagdaang Biyernes at Sabado ang dalawang episode na dokumentaryo.
Mapapanood sa dokumentaryo ang archive footage ng 1959 Democratic Reform ng Tibet, panayam sa mga taong nakaranas at nakasaksi sa nasabing reporma, at mga dalubhasang Tsino at dayuhan. Tampok din sa dokumentaryo ang pinanggalingan ng pang-aalipin sa Tibet at kung paano inabuso ang mga aliping Tibetano ng kanilang may-ari na parang hayop. Nasasaad din sa dokumentaryo ang pag-unlad ng Tibet sapul nang pawalang-bisa ng pambansang pamahalaang Tsino ang pang-aalipin sa rehiyon noong 1959.
Sa ilalim ng pang-aalipin na may mahigit 1,000 taong kasaysayan, ang mga alipin na katumbas ng 95% ng populasyon ng Tibet ay walang lupa at wala ring kalayaan. Maaari silang ibenta, bilhin, ilipat, ibigay, at isangla ng kanilang may-ari. Pinatawan din sila ng malupit na kaparusahan na gaya ng paghiwa ng kamay, paa, taynga, dila, mata at iba pa.
Nayon sa kahabaan ng Medog Road sa Medog County, Rehiyong Awtonomo ng Tibet sa dakong kanluran ng Tsina. Ang Medog County ay ang huling county na walang permanenteng road access sa bansa dahil sa kabundukan sa paligid nito. Noong 2013 nagbukas ito sa trapik. Kinakitaan ang tourism industry ng Medog ng mabilis na pag-unlad. Noong 2015, tumanggap ito ng 70,800 person-time na turista. Larawang kinunan March 20, 2016(Xinhua/Chen Tianhu)
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |