|
||||||||
|
||
Ang Thangka ay kabilang sa mga intangible heritage ng Tsina. Bilang isang tradisyonal na sining na napakakomplikado ng teknik at napakataas ng halagang pansining, ipinakikita ng Thangka ang katutubong relihiyon, kultura at kaugalian ng Tibet.
Noong 2010, minarkahan si Chizeng bilang First-Grade Thangka Painter sa kauna-unahang Thangka Art Exhibition na idinaos ng Tibet, Tsina.
Mula noong 2009, sinimulan niyang nagturo ng dalawang estudyante, at sa taong ito, natamo rin nila ang kredensiyal ng Second-Grade Thangka Painter at Third-Grade Thangka Painter.
Noong 2012, itinatag ni Chizeng ang kaniyang sariling sentro ng sining ng Thangka para magturo ng teknolohiya ng paglilikha ng Thangka. At itinayo rin niya ang isa pang paaaralan ng Thangka sa kaniyang tahanan noong 2014, kahit marami ang mga kahirapan, aniya, dapat patuloy na magsikap.
Sa hinaharap, ipagpapatuloy niya ang pagpapalagarap ng Thangka at balak niyang magpinta ng Thangka ng mural sa Tibet.
salin:wle
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |