Ayon sa ika-7 working meeting ng Ministri ng Yamang Tubig ng Tsina na idinaos ngayong araw sa Lhasa, Tibet, sa loob ng darating na 5 taon, pag-iibayuhin ng Tsina ang pagbibigay-tulong sa Tibet, at pabibilisin ang pagpapabuti ng mga imprastrukturang patubig doon, at puspusang pasusulungin ang pundamental na serbisyong pampublikong patubig. Hanggang taong 2020, isasakatuparan ng Tibet ang 5 target na kinabibilangan ng pagpapataas nang malaki ng kakayahan ng Tibet sa pagtitipid at pagsuplay ng tubig, pagtatamo ng konstruksyong patubig sa kanayunang Tibetano ng malaking progreso, malinaw na pagpapataas ng lebel ng pagpigil at pagbabawas ng kalamidad, mabisang pangangalaga sa ekolohiya sa mga ilog, at komprehensibong pagpapalakas ng pangangasiwa sa repormang patubig.
Nitong 5 taong nakalipas, sistematikong isinasakatuparan ng departamentong patubig ng buong bansa ang espesyal na patakaran ng Pamahalaang Sentral sa konstruksyong patubig ng Tibet. Ayon sa pagtaya, sa katapusan ng kasalukuyang taon, isasakatuparan ang laang-guguling 22.8 bilyong Yuan, RMB para sa nasabing proyekto ng bansa.
Salin: Li Feng