Nagtipun-tipon sa Lhasa kaninang umaga ang halos 20 libong personahe mula sa iba't-ibang sirkulo ng Tibet bilang pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng rehiyong awtonomo ng Tibet. Dumalo sa pagtitipon ang delegasyon ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na pinamumunuan ni Yu Zhengsheng, Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC).
Sa kanyang talumpati nang araw ring iyon, binigyang-diin ni Yu na ang pangangalaga sa harmonya at katatagan ng Tibet, at pagsasakatuparan ng kasaganaan at pagsulong ng Tibet ay komong hangarin ng CPC at mga mamamayan ng iba't-ibang nasyonalidad. Dapat aniyang totohanang palakasin ang pagkakaisa ng nasyonalidad, at patuloy na igiit ang pangangasiwa sa Tibet alinsunod sa batas.
Dagdag pa niya, patuloy na isasagawa at pabubutihin ng Komite Sentral ng CPC ang peperensyal na patakaran sa Tibet para makuha ng mga mamamayang Tibetano ang mas malaking kita, mas mabuting edukasyon, medisina, kondisyon ng pabahay, at segurong panlipunan. Kasama ng mga mamamayan ng buong bansa, makikinabang ang mga mamamayang Tibetano sa reporma ng bansa.
Salin: Li Feng