Vientiane, Laos—Biyernes, ika-25 ng Marso 2016, idinaos dito ang magkasanib na eksibisyon ng vocational education at higher education ng Tsina sa taong 2016. Itinanghal ng mahigit 10 vocational school at kolehiyo ng Tsina ang kani-kanilang katangian sa mga estudyanteng Lao.
Sinabi ni Mo Xiaoling, Kalihim ng Kultura at Edukasyon ng Embahada ng Tsina sa Laos, na palagiang pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungang pang-edukasyon sa Laos. Umaasa aniyang siyang sa pamamagitan ng kasalukuyang eksibisyon, ibayo pang mapapalakas, at mapapasulong ang kooperasyon at pag-uugnayan ng mga departamento ng edukasyon ng dalawang bansa. Umaasa rin siyang mas maraming estudyanteng Lao ang matututo sa Tsina.
Salin: Vera