Komprehensibong sinimulan kamakailan ang paglalagay ng 5-kilometrong leading section ng high speed railway sa pagitan ng Jakarta at Bandung, Indonesya. Magkakasama itong ginawa ng mga kompanya ng Tsina at Indonesya. Samantala, ipinahayag din ng Thailand na maglalagay sila ng high speed rail mula Bangkok hanggang Nakhon Rachasima. Ang mga tren, gamit ang teknolohiya at sistema ng signal ng daambakal ng Tsina, ay magmumula sa Tsina.
Tungkol sa prospek ng kooperasyon Tsina, Indonesya at Thailand sa daambakal, ipinahayag ngayong araw sa preskon ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na
"Umaasang mahigpit na magtutulungan ang Tsina , Indonesya at Thailand, para maalawang isagaw ang mga proyekto, upang gumanap ang mga ito ng papel sa kabuhayan at lipunan. Umaasa niong pasusulungin ang pag-unlad ng kabuhayan, pagpapalitan ng mga tauhan, at connectivity ng transportasyon at komunikasyon ng mga kababaang bansa, para makapaghatid ng benepisyo sa mga mamamayan ng rehiyon."
Salin: Andrea