Nakipag-usap sa Hanoi nitong Linggo, Marso 27, 2016 si Pangkalahatang Kalihim Nguyen Phu Trọng ng Partido Komunista ng Biyetnam(CPV) kay Chang Wanquan, dumadalaw na Ministrong Pandepensa ng Tsina.
Ipinahayag ni Nguyen Phu Trọng ang pagpapahalaga sa tagumpay na natamo ng Tsina batay sa pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina(CPC) at ang Pangkalahatang Kalihim na si Xi Jinping. At pasasalamat sa walang tigil na suporta mula sa Tsina para sa pambansang liberasyon at isinasagawang reporma ng Biyetnam. Aniya, ang pinalakas na pagtutulungan ng hukbo ng Tsina at Biyetnam ay maglalatag ng malusog at matibay na pundasyon para sa bilateral na relasyon ng dalawang partido at estado. Nananalig aniya siyang ibayo pang mapapasulong ng kasalukuyang pagdalaw ni Chang sa Biyetnam ang tradisyonal na mapagkaibigang pagtutulungan ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan.
Ipinahayag naman ni Chang Wanquan na ang biyaheng ito sa Biyetnam ay naglalayong tupdin ang kasunduang narating ng liderato ng dalawang partido para pasulungin ang malusog at pangmatagalang pagtutulungan ng dalawang hukbo, at komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa.