|
||||||||
|
||
Beijing, Tsina--Nilagdaan nitong nagdaang Biyernes ng Tsina at Biyetnam ang Memorandum of Understanding (MOU) hinggil sa Pinalawak na Kooperasyong Hudisyal ng dalawang bansa.
Ang nasabing MOU ay rebisado at upgraded na bersyon ng katulad na dokumento na narating ng dalawang bansa noong 2011 sa Hanoi.
Ayon sa pinakahuling MOU, palalalimin ng mga hukuman ng dalawang bansa sa iba't ibang lebel ang kanilang pagpapalitan at pagdadalawan, pagsasanay sa mga mahistrado, pagbabahaginan ng impormasyon at karanasan sa repormang hudisyal at magkasamang pag-aaral sa mga espesyal na kaso.
Sa ngalan ng magkabilang panig, lumagda sa nasabing kasunduan si Zhou Qiang, Punong Mahistrado ng Korte Suprema ng Tsina at ang kanyang counterpart na Biyetnames na si Truong Hoa Binh.
Sina Zhou Qiang (kanan) at Truong Hoa Binh sa seremonya ng paglagda. (Photo credit: official website ng Kataas-taasang Hukuman ng Tsina: www. chinacourt.org)
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |