Miyerkules, ika-30 ng Marso 2016, kasiya-siyang natapos ang 3-araw na dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Czech Republic. Ito ang kauna-unahang pagdalaw ng pangulong Tsino sa Czech Republic nitong nakalipas na 67 taon sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, at kauna-unahang pagdalaw rin ni Xi sa Gitnang Silangang Europa sapul nang manungkulan siya bilang pangulo ng bansa.
Lunes, ika-28 ng Marso, sa Lany Chateau, official summer residence ng pangulong Czech, nagtagpo ang mga pangulo ng dalawang bansa. Si Xi ay unang dayuhang lider na inanyayahan sa pribadong tirahan ng pangulong Czech.
Nauna rito, magkasamang nagtanim ang dalawang pangulo ng isang ginkgo biloba tree galing sa Tsina, bilang sagisag ng pangmatagalang tradisyonal na pagkakaibigan at mayabong na kinabukasan ng Tsina at Czech Republic.
Martes, ika-29 ng Marso, sa kanyang pakikipagtagpo kay Adriana Krnacova, Mayor ng Prague, binigyan si Pangulong Xi ng susi ng lunsod ng Prague.
Ang susing ito ay hindi lamang nagpapakita ng malalimang pagkakaibigan sa Tsina ng mga mamamayang Czech, lalung lalo na, mga mamamayan ng Prague, kundi kumakatawan din sa pagtanggap at pagkilala ng Czech Republic kay Pangulong Xi.
1 2