|
||||||||
|
||
Miyerkules, ika-30 ng Marso, magkasamang dumalo sa Prague sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Milos Zeman ng Czech Republic sa Sino-Czech Business Round Table. Lumagda ang kapuwa panig sa maraming dokumentong pangkooperasyon.
Nang araw ring iyon, bumisita si Xi Jinping, kasama ni Pangulong Milos Zeman, sa Strahov Monastery Library.
Ang Strahov Monastery Library ay pinakamatandang aklatan sa Czech Republic, at mahigit 850 taon ang kasaysayan nito. Mahigit 200 libong mahal at matandang aklat ang tinitipon dito.
Pagkatapos ng kanyang pagbisita, nagtagay ang dalawang pangulo bilang pamamaalam sa isa't isa.
Salin: Vera
Photo Credit: Xinhua News Agency
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |