Pinagtibay nitong Lunes, Abril 4, 2016 ng Parliamento ng Kambodya ang plano ng pag-rereorganisa ng gabinete, na iniharap ni Punong Ministrong Hun Sen. Ito ay para itayo ang isang gabineteng binubuo ng mga mas bata at may-kakayahang miyembro.
Ayon sa nasabing plano, magbibitiw sa tungkulin sina Pangalawang Punong Ministrong Keat Chhoun, Ministrong Panlabas Hor Namhong, at iba pa. Silang dalawa ay mahigit 80 taong gulang na.
Samantala, ipinalalagay ng Cambodia National Rescue Party(CNRP), partido oposisyon ng bansa ang pag-asang ibayo pang mapapalakas ang reporma sa gabinete.