"Makikinabang ang Kambodya mula sa pagtatatag ng Asian Infrastructure Investment Bank(AIIB) at Silk Road Fund(SRF), na itinaguyod ng Tsina." Ito ang ipinahayag kahapon, Marso 7, 2016 ni Hun Sen, Punong Ministro ng Kambodya sa 2016 Combodia Outlook Conference.
Ipinahayag ni Hun Sen, na naitatag na ang mahigpit na partnership sa pagitan ng AIIB at mga organong pandaigdig. Aniya, bilang isa sa mga bansang tagapagtatatag ng AIIB, makikinabang ang Kambodya mula rito, lalo sa pagkuha ng pondo para sa konstruksyon ng imprastruktura.
Ipinalalagay ni Hun Sen na ang pagtatatag ng SRF ay makakatulong sa pagpapasulong ng konektibidad ng mga bansang Asyano sa lupa at karagatan.
Ipinahayag din ni Hun Sen, na ibayo pang mapapasulong ng Kambodya ang konstruksyon ng imprastruktura, na gaya ng pambansang lansangan, daambakal, daungan at iba pa, para pasulungin ang kaunlarang pangkabuhayan at panlipunan ng bansa.