Dumalaw kahapon, Martes, ika-5 ng Abril 2016, ang delegasyon ng Ministri ng Edukasyon ng Thailand sa Liuzhou Railway Vocational Technical College. Napag-alamang ang layunin ng pagdalaw na ito ay tingnan ang posibilidad ng pakikipagkooperasyon sa panig Tsino sa pagsasanay ng mga tauhang Thai sa aspekto ng teknolohiya ng high-speed railway.
Ayon sa puno ng naturang delegasyon, sa kasalukuyan, pinapaunlad ng Thailand ang high-speed railway, pero halos walang talento sa aspektong ito. Umaasa siyang tutulungan ng mga kolehiyo ng Tsina ang panig Thai para sa pagsasanay ng mga talento.
Nauna rito, sinimulan noong huling dako ng nagdaang buwan sa Liuzhou ang 38-araw na pagsasanay ng mga gurong Thai sa aspekto ng rail transit. Kalahok sa klaseng ito ang 15 gurong Thai.
Salin: Liu Kai