Sa kanyang paglalakbay-suri kahapon, Huwebes, ika-7 ng Abril 2016 sa Saysettha Comprehensive Development Zone, sa Vientiane, kabisera ng Laos, ipinahayag ni Pangulong Choummaly Sayasone ng bansang ito ang pag-asang ang proyektong ito ay magiging bagong modelo ng kooperasyon ng Laos at Tsina.
Ang nabanggit na development zone ay magkasamang itinatayo ng Yunnan Construction Engineering Group Co., Ltd. ng Tsina at pamahalaang munisipal ng Vientiane. Ito ay isa sa mga proyekto sa ilalim ng "Road and Belt" Initiative.
Sa kasalukuyan, halos natapos ang konstruksyon ng mga imprastruktura sa loob ng development zone. Napag-alamang ang mga industriyang isasaoperasyon dito ay kinabibilangan ng enerhiya, kemikal, pagpoproseso ng mga produkto mula sa agrikultura at paghahayupan, paggawa ng mga produktong elektrisidad, teknolohiya sa mga materyal na pangkonstruksyon, lohistika, at iba pa.
Salin: Liu Kai