Ayon sa ulat ng pahayagang "Business Mirror" ng Pilipinas, tinaya kamakailan ng World Bank (WB) na sa kasalukuyang taon, umabot sa 11.9 milyong tonelada ang output ng bigas sa Pilipinas. Sa susunod na taon, ito ay aabot sa 12.4 milyong tonelada. Ang Pilipinas ay magiging ika-8 pinakamalaking bansang nagpoprodyus ng bigas sa daigdig.
Ayon sa nasabing ulat, dahil nagiging mainam ang paglalaki ng mga patanim sa mga pangunahing bansang nagpoprodyus ng bigas sa Asya na gaya ng Tsina, India, at Indonesia, tinatayang lumaki ng 4 na milyong tonelada ang output ng bigas sa daigdig mula 2015 hanggang 2016 kumpara sa nagdaang panahon ng pagtatanim.
Salin: Li Feng