Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ika-17 ASEAN-China Joint Cooperation Committee Meeting, idinaos sa Jakarta

(GMT+08:00) 2016-04-12 15:45:44       CRI

Jakarta, Indonesia—Idinaos dito nitong Lunes, Abril 11, 2016, ang Ika-17 Pulong ng ASEAN-China Joint Cooperation Committee (ACJCC).

Nilagom ng mga kinatawan mula sa Tsina at mga kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang mga bunga sa pagpapatupad sa ASEAN-China Plan of Action 2011-2015. Tinalakay rin nila kung paano matutupad ang Plan of Action 2016-2020.

Magkasamang pinanguluhan ang pulong nina Xu Bu, Sugo ng Tsina sa ASEAN at Tan Hung Seng, Pirmihang Kinatawan ng Singapore sa ASEAN.

Muling ipinahayag ni G. Xu ang pagbati sa pagkakatatag ng ASEAN Community noong katapusan ng 2015. Ipinagdiinan niyang kinikitaan ang 2016 ng bagong simula ng pagpapasulong ng ASEAN-China Strategic Partnership dahil ngayong taon ay unang taon ng pagpapatupad ng ASEAN Vision 2025: Forging Ahead Together at ito rin ay ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng ASEAN-China Dialogue Partnership. Inulit niya ang pagkatig ng panig Tsina sa ASEAN sa pagganap ng pangunahing papel sa mga isyung panrehiyon.

Sinabi naman ni Tan na bilang bansang tagapagkoordina sa pagitan ng Tsina at ASEAN, kinakatigan ng Singapore ang Silk Road Economic Belt and 21st Century Maritime Silk Road (Belt and Road Initiative ) na iniharap ng Tsina para sa komong kaunlaran, at aktibo rin itong nagpapapsulong ng kooperasyon ng mga kasapi ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB).

Kapuwa ipinalalagay ng Tsina at mga kasapi ng ASEAN na malawak ang potensyal ng pagtutulungan. Halimbawa, nakatakdang magkabisa ang dokumento hinggil sa upgrading ng China-ASEAN Free Trade Area. Ang Tsina ay nagsisilbing pinakamalaking trade partner ng ASEAN. Samantala, ang ASEAN ay ika-apat na pinakamalaking pamilihan ng pagluluwas ng Tsina at ikalawang pinakamalaking pinanggagalingan ng pag-aangkat.

Group photo ng mga kalahok bago idinaos ang pulong

Mga kalahok sa pulong

Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>