Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagkakatatag ng ASEAN Community, pokus ng ALC Tea Gathering

(GMT+08:00) 2016-04-06 17:18:33       CRI
Beijing,Tsina--Ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Ladies Circle Tea Gathering ay buwunang ginaganap para mapaigting ang samahan ng ASEAN at umiikot ang pagtataguyod nito sa sampung mga pasuguan. Nitong unang araw ng Abril, ang pagtitipon ay ginanap sa Vietnam Embassy sa Beijing.

ASEAN Community dapat ipromote

Ambassador Dang Minh Khoi ng Vietnam

Malugod na tinanggap ni Ambassador Dang Minh Khoi ng Vietnam ang mga bisitang diplomata, kababaihang ASEAN at Tsino na mula sa iba't ibang larangan. Sinabi ni Ambassador Dang Minh Khoi dapat maging prioridad ang pagpapalaganap ng kaalaman hinggil sa bagong tatag na ASEAN Community. Malaki ang bentahe nito para sa 600 milyong mamamayan ng ASEAN kaya dapat palalakasin ang connectivity at solidarity ng rehiyon. Kinilala rin niya ang mahalagang papel ng kababaihan ng ASEAN bilang mga diplomata, ina, asawa at kapamilya. Ang ALC aniya pa ay isang aktibidad na makapagpapalakas sa ugnayan ng mga kababaihan. Hangad niyang lubos na magiging matatag ang pag-uunawaan sa pagitan ng mga kababaihang Tsino at ASEAN.

Bagong Ambassador ng Laos, ipinakilala

Bagong Embahador Vandy Bouthasavong ng Laos

Bagong talagang embahador ng Laos sa Beijing si Ambassador Vandy Bouthasavong. Nitong Pebrero lang pormal niyang iniharap sa pamahalaang Tsino ang kanyang credentials. Masaya si Ambassador Bouthasavong kanyang kauna-unahang pagdalo sa ALC Tea Gathering na nataon pa sa magandang panahon ng tagsibol sa Beijing. Ito aniya ay pagkakataon para magpalitan ng kaalaman at karanasan upang higit na yumabong ang pagkakaibigan at kooperasyon sa ASEAN.

Apat na embahador ang dumalo sa Spring ALC na ginanap sa Pasuguan ng Vietnam sa Beijing. Bukod sa Ambassador ng Vietnam at Laos, nakisaya rin sina Ambassador Erlinda F. Basilio ng Pilipinas at Ambassador Khek Cai Mealy Sysoda ng Cambodia.

Pilipinas, susunod na tagapangulo ng ASEAN

Ambassador Erlinda F. Basilio ng Pilipinas (sa kanan)

Ibinahagi ni Ambassador Erlinda F. Basilio na puspusan ang paghahanda ng Pilipinas sa nalalapit na pagkapangulo ng Pilipinas sa ASEAN sa darating na 2017. Maraming mga panukala aniya ang Pilipinas para mas mapabuti ang kalagayan ng lahat ng mamamayan ng ASEAN. Nang tanungin kung ano ang pinakamalaking hamon ng ASEAN Community sa kasalukuyan, sagot ni Ambassador Basilio ang banta ng terorismo. Nanawagan siya sa mga Pilipino at mga mamamayan ng ASEAN na sumunod sa batas, mag-ingat at pangalagaan ang kapayapaan.

Edukasyon, dapat samantalahin ng ASEAN Community

Bounheng Siharath, 1st Secretary for Education ang Culture ng Pasuguan ng Laos (sa kanan)

Ngayong naitatag na ang ASEAN Community ikinagagalak ni Bounheng Siharath, 1st Secretary for Education ang Culture ng Pasuguan ng Laos, ang mga oportunidad para sa kabataang ASEAN pagdating sa edukasyon. Si Gng. Siharath ay naging aktibong kalahok sa pagtatag ng ASEAN University Network. Sinabi niyang malaki ang bentahe nito para sa mga mamayan ng Laos na matuto ng wikang Ingles. Dapat aniyang samantalahin ang mga pagkakataong alok nito ng mga mag-aaral mula sa kasaping bansa ng ASEAN.

Ibinida sa ALC Tea Gathering ng host-country na Vietnam ang kanilang pamosong spring roll at marami pang ibang katutubong pagkain na lubos na kinagiliwan ng mga dumalo. Napanood din ang isang video presentation ng mga sikat na lugar na panturista sa Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Pilipinas, Singapore, Thailand at Vietnam.

Ulat/Photographer: Mac Ramos

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>