|
||||||||
|
||
(photo credit: xinhua)
Batay sa temang Role of Local Governments in International Cooperation on Production Capacity, tinalakay ni G. Martinez III, kasama ng mga kinatawan mula sa Tsina at iba pang mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang ibayo pang pagpapasulong ng pagtutulungan ng mga pamahalaang lokal. Pagkatapos ng diyalogo, ipinalabas ng mga kalahok ang Magkasanib na Pahayag.
Ayon sa Pahayag, pasusulungin nila ang kooperasyon sa konektibidad sa lupa, himpapawid at dagat, kooperasyong pandagat, pamumuhuan, turismo, agrikultura, at people-to-people exchanges, batay sa diwa ng pagiging inklusibo, pagbabahaginan ng tagumpay at pagkakataon, at win-win situation.
Bukod sa Cebu Province, kabilang sa mga kalahok na probinsya/siyudad sa nasabing diyalogo ay Phuket ng Thailand; Phnom Penh at Kampong Cham ng Cambodia; Bandar Seri Begawan ng Brunei; Penang ng Malaysia; Yangon ng Myanmar; Vientiane ng Laos; Bali ng Indonesia; at Hainan Province, Chongqing, Tianjin, Shaanxi Province, Nanjing, Hangzhou, at Qingdao ng Tsina.
Ang kagalang-galang na si dating pangulong Fidel V. Ramos ay nagsisilbing Tagapangulo, Council for Advisors ng BFA.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |