Kinatagpo nitong Miyerkules, Abril 13, 2016 ni Pangulo Joko Widodo ng Indonesya ang dumadalaw na Ministro ng International Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina na si Song Tao.
Sa pagtatagpo, ipinaabot muna ni Song ang pagbati mula kay Pangulo Xi Jinping ng Tsina sa kanyang Indonesian counterpart. Ipinahayag ni Song na bilang dalawang mahalagang umuunlad na bansa sa daigdig, ang magkasamang pagpapasulong ng Tsina at Indonesya ng malusog na relasyong bilateral ay hindi lamang angkop sa komong interes ng dalawang bansa, kundi makakatulong din sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Indonesya para sa pagpapalalim ng pagtitiwalaang pampulitika, pagpapasulong ng estratehikong kooperasyon, pagpapalawak ng pagtutulungan sa ibat-ibang larangan, at ibayo pang pagpapalakas ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa.
Ipinaabot naman ni Pangulo Joko Widodo ang pagbati sa Pangulong Tsino. Ipinahayag ni Joko Widodo na positibo ang Indonesya sa pinalakas na pakikipagtulungan sa Tsina. Nakahanda aniya itong magsikap, kasama ng Tsina para pahigpitin ang pagpapalitan, pataasin ang pragmatikong pagtutulungan, at maisakatuparan ang win-win situation.