Ayon sa pinakahuling datos ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, noong unang kuwarter ngayong taon, umabot sa 5,956 ang bilang ng mga bagong-tatag na bahay-kalakal na may puhunang dayuhan. Mas mataas ito ng 1.6% kumpara sa gayun ding panahon ng 2015.
Samantala, lumampas sa 220 bilyong Yuan RMB (35 bilyong US dollar) ang aktuwal na nagamit na puhunang dayuhan noong unang tatlong buwan ng taong ito. Mas mataas ito ng 4.5% kumpara sa gayunding panahon ng 2015. Kabilang dito, mahigit 10% ng aktuwal na nagamit na puhunang dayuhan, na nagkakahalaga ng 25.5 bilyong Yuan RMB (4 na bilyong US dollar) ay ibinuhos sa serbisyo ng hay-tek na gaya ng digital services at information technology services.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio