Ipinahayag kamakailan ni Zhou Liujun, Puno ng Departamento ng Pamumuhunan sa Labas at Kooperasyong Pangkabuhayan ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na umabot sa 63.5 bilyong dolyares ang halaga ng Outward Foreign Direct Investment (OFDI) ng Tsina noong unang 7 buwan ng 2015. Ito ay mas malaki ng 20.8% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon. Ayon sa pagtaya, aabot sa 10% hanggang 15% ang bahagdan ng paglaki ng OFDI ng bansa sa buong taon.
Ayon sa datos ng naturang ministri, noong unang 7 buwan ng taong ito, umabot sa halos 7.4 na bilyong dolyares ang halaga ng direktang pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng Tsina sa mga bansa sa kahabaan ng "One Belt and One Road." Ito ay lumaki ng 58.5% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaag taon.
Salin: Li Feng