NAGKASAMA ang dating mainit na magkakalaban sa Pamantasan ng Pilipinas kanina. May kinalaman ito sa pagtatagpo ng mga student leader at mga dating aktibista na kabilang sa Sandigan para sa Mag-aaral at Sambayan at Nagkaisang Tugon sa University of the Philippines noong dekada otsenta.
Nagkaisa silang humarap sa mga mamamahayag at nangakong magtutulungan upang hadlangan ang posibleng pagbabalik ng isang Marcos sa Malacanang, ang anak ng diktador na si Ferdinand Marcos na si Senador Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.
Naroon sina Lean Alejandro at Chito Gascon na nagmartsa upang magprotesta sa pamahalaang Marcos.
Nagkapit-bisig ang mga dating magkakalaban sa politika at sumigaw ng "never again" sa pagkondena sa pagtatangkang pawalang-saysay ang kasaysayan sa pagtakbo ni Marcos sa pagka-pangalawang pangulo.
Sinabi ni Atty. Susan Villanueva, chairperson ng UP SAMASA Alumni Association na bagama't hindi sila nagkasundo sa maraming bahay, nagkakaisa sila sa paghadlang sa anumang uri ng diktadura. Maraming mga mag-aaral ng University of the Philippines ang nasawi at nawala na lamang noong Martial Law.