Sa pahayag na ipinalabas kahapon, Biyernes, ika-15 ng Abril 2016, mariing tinututulan ng United Nations Security Council ang paglulunsad nang araw ring iyon ng missile ng Hilagang Korea.
Anang pahayag, bagama't nabigo ang naturang paglulunsad, lumalabag din ito sa ilang resolusyon ng UNSC. Nanawagan ito sa H.Korea na iwasan ang ibayo pang aksyong labag sa mga resolusyon, at komprehensibong ipatupad ang mga ito.
Ayon sa ulat ng panig militar ng Timog Korea, isinagawa kahapon ng madaling araw ng H.Korea ang paglulunsad ng missile sa silangang baybayin ng Korean Peninsula. Pero, nabigo ito. Ayon pa rin sa pag-aanalisa ng panig militar ng T.Korea, ang inilunsad ng H.Korea ay "Musudan" intermediate-range ballistic missile.
Salin: Liu Kai