Sa unang sesyon ng ika-8 Pambansang Asembleya ng Laos na idinaos ngayong araw, Miyerkules, ika-20 ng Abril 2016 sa Vientiane, naihalal si Bounnhang Vorachith bilang Pangulo ng Estado ng Laos. Naihalal naman si Phankham Viphavanh bilang Pangalawang Pangulo, at si Thongloun Sisoulith bilang Punong Ministro.
Nauna rito, si Pany Yathotu ay naihalal bilang Pangulo ng kasalukuyang Pambansang Asembleya.
Salin: Liu Kai