Lunes, ika-18 ng Enero, 2016, isang mensahe ang ipinadala ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa Komite Sentral ng Lao People's Revolutionary Party (LPRP), bilang pagbati sa pagdaraos ng ika-10 pambansang kongreso ng LPRP.
Anang mensahe, lubos na pinahahalagahan ng CPC ang pagpapatibay at pagpapaunlad ng relasyong pangkaibigan sa LPRP. Anito pa, batay sa prinsipyong "pangmatagalang katatagan, pagkakaibigan ng magkakapit-bansa, pagtitiwalaan, at komprehensibong kooperasyon," handa ang CPC, kasama ng LPRP na palakasin ang mapagkaibigang kooperasyon sa iba't ibang larangan; pasulungin ang pangmatagalan, malusog at matatag na pag-unlad ng komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng Tsina at Laos; at gumawa ng bagong ambag para sa pagpapasulong ng kapayapaan, kooperasyon, at kasaganaan ng Asya, maging ng buong mundo.
Salin: Vera