Idaraos bukas, Biyernes, ika-22 ng Abril 2016, sa Punong Himpilan ng United Nations sa New York, ang seremonya sa mataas na antas para sa paglalagda ng Paris Agreement hinggil sa pagbabago ng klima.
Ayon sa ulat ng UN, lalahok sa seremonyang ito ang mga kinatawan mula sa mahigit sa 150 bansa, at kabilang dito, isusumite ng ilang bansa ang kani-kanilang dokumento ng pag-aaproba sa Paris Agreement.
Nauna rito, ipinahayag ni Farhan Haq, Pangalawang Tagapagsalita ng Pangkalahatang Kalihim ng UN, na kumpirmadong lalahok sa naturang seremonya ang mga puno ng estado o pamahalaan ng mahigit sa 60 bansa. Ito aniya ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng komunidad ng daigdig sa Paris Agreement.
Sinabi naman ni Christiana Figueres, Executive Secretary ng UN Framework Convention on Climate Change, na nananalig siyang sa pamamagitan ng pagsisikap ng iba't ibang bansa, magkakabisa ang Paris Agreement bago mag-taong 2020.
Salin: Liu Kai