Idinaos mula ika-19 ng Abril 2016 hanggang ngayong araw, sa Qingdao, lunsod sa silangang Tsina, ang ika-8 pagsasanggunian ng mga grupo ng mga eksperto ng Tsina at Biyetnam, hinggil sa kooperasyong pandagat sa mga di-sensitibong aspekto. Kalahok sa pagsasanggunian ang mga opisyal mula sa ministring panlabas at ibang may kinalamang departamento ng dalawang bansa.
Nagpalitan ng palagay ang mga kalahok hinggil sa mga proyekto ng kooperasyong pandagat, na gaya ng pagsasagawa ng heolohikal na pananaliksik sa dagat, pangangasiwa sa kapaligiran sa Beibu Bay, at iba pa.
Salin: Liu Kai