Sa ngalan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, nilagdaan kahapon, Biyernes, ika-22 ng Abril 2016, sa Punong Himpilan ng United Nations sa New York, ni Pangalawang Premyer Zhang Gaoli ng Tsina ang Paris Agreement hinggil sa pagbabago ng klima.
Ayon pa rin kay Zhang, ipinangako ng Tsina na tapusin ang legal na prosidyur para sa Paris Agreement, bago ang G20 Summit na idaraos sa Hangzhou, Tsina, sa darating na Setyembre ng taong ito. Dagdag niya, ipinahayag din ng Tsina ang paghimok sa iba pang kasaping bansa ng G20, na pasulungin ang pagtanggap at pagkabisa ng kasunduang ito.
Salin: Liu Kai