Ayon sa pinakahuling "World Economic Outlook" na ipinalabas ng International Monetary Fund (IMF), 8.6% ang tinatayang paglago ng kabuhayan ng Myanmar sa taong 2016, at mangunguna ito sa halos 200 ekonomiya na inilakip sa nasabing ulat.
Anang outlook, nitong nakaraang kalahating siglo, mabagal ang pag-unlad ng kabuhayan ng Myanmar, pero, dahil sa pagkakabuo ng bagong pamahalaan, inaasahang lalago ang pambansang kabuhayan.
Anito, malaki ang potensyal ng pag-unlad ng agrikultura ng Myanmar dahil nanatili ito bilang pinakapangunahing bansa ng pagluluwas ng bigas. Bukod dito, dahil mayaman ang labor force ng Myanmar, maaari nitong paunlarin ang industriya ng tela at industriya ng paggawa ng sapatos, dalawang larangang makakatulong sa paglago ng kabuhayan.
Gayun pa man, nakasaad din sa outlook na noong 2015, wala pang 1300 US Dollar ang GDP Per Capita ng Myanmar at nananatili ito bilang isa sa mga pinakamahirap na bansa sa daigdig.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio