Kaugnay ng pagpapalabas ng bagong "Blue Paper ng Hapon sa mga Suliraning Panlabas" kung saan pinalalaki nito ang isyung may kinalaman sa dagat, ipinahayag noong Lunes, ika-18 ng Abril 2016, ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dapat itigil ng panig Hapones ang mga di-responsableng pananalita, upang mapigilan ang pagkakaroon ng bagong hadlang sa relasyong Sino-Hapones, at kalagayan ng rehiyong ito.
Ayon sa ulat, noong ika-15 ng Abril, inilabas ng pamahalaang Hapones ang "Blue Paper sa mga Suliraning Panlabas" sa taong 2016. Anito, ang konstruksyon ng Tsina sa mga pulo at isla ay para sa layuning militar. Bumatikos din nito ang maraming beses na pagpasok ng mga bapor ng Tsina sa rehiyong pandagat sa paligid ng Diaoyu Island.
Kaugnay nito, sinabi ni Lu na may di-mapapabulaanang soberanya ang Tsina sa Diaoyu Island at mga isla sa paligid, at Nansha Islands at rehiyong pandagat sa paligid. Pangangalagaan aniya ng Tsina ang teritoryo, soberanya, at karapata't kapakanang pandagat ng bansa, at magpupunyagi ito para malutas ang mga kinauukulang alitan, sa pamamagitan ng direktang pakikipagtalastasan at pakikipagsanggunian sa mga may kinalamang bansa.
Salin: Vera