Kaugnay ng paghahandog ng oblasyon ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon sa Yasukuni Shrine, ipinahayag noong Huwebes, ika-21 ng Abril 2016, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang paghimok ng panig Tsino sa panig Hapones na tumpak na pakitunguhan at malalimang pagsisihan ang kasaysayang mapanalakay.
Ani Hua, idinadambana sa Yasukuni Shrine ang mga World War II class-A criminal na may direktang kagagawan sa digmaang mapanalakay. Palaigan at malinaw aniya ang paninindigan ng panig Tsino sa isyu ng Yasukuni Shrine. Hinihimok ng panig Tsino ang panig Hapones na itigil ang muling pag-usbong ng militarismo, para matamo ng Hapon ang pagtitiwala ng mga kapitbansang Asyano at komunidad ng daigdig, sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon, aniya pa.
Ayon sa ulat ng Kyodo News Agency, noong ika-21 ng Abril, naghandog ng oblasyong "pine tree" sa Yasukuni Shrine si Abe, sa ngalan ng punong ministro ng gabinete.
Salin: Vera