Miyerkules, ika-20 ng Abril 2016, ipinaabot ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang pakikiramay kay Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon, matapos maganap ang malakas na lindol sa Kumamoto, Hapon noong April 16.
Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, ipinahayag ni Li ang pakikidalamhati. Nananalig aniya siyang mapapapagtagumpayan ng mga mamamayan ng Hapon ang kahirapan, at muling maitatayo ang kanilang mga tahanan. Patuloy na pag-uukulan ng pansin ng panig Tsino ang kalagayan ng mga nilindol na purok, at nakahandang magkaloob ng kinakailangang tulong, dagdag pa niya.
Salin: Vera