Sinabi nitong Martes, April 26, 2016, ni Sergey Shoigu, Ministro ng Tanggulang-bansa ng Rusya, na palalawakin ng kanyang bansa at mga bansang ASEAN ang mga kooperasyon sa larangang militar.
Nang araw ring iyon, idinaos sa Moscow ang Unang Pulong ng mga Ministro ng Tanggulang-bansa ng Rusya at ASEAN. Sinabi ni Shoigu na ang mga bansang ASEAN ay mahalagang kaibigan ng Rusya sa kooperasyong panseguridad sa rehiyong Aysa-Pasipiko. Sinabi pa niyang ang kooperasyong militar ng dalawang panig ay angkop sa kapakanan ng rehiyong ito.
Sa pulong na ito, itinakda ng dalawang panig ang mga pangunahing larangan ng kooperasyon na gaya ng pagbibigay-dagok sa terorsimo, seguridad na pandagat, makataong tulong at gawaing panaklolo.