|
||||||||
|
||
Ayon sa pahayag na inilabas nitong Sabado, April 30, 2016, ng Ministri ng Tanggulan ng Afghanistan, napatay ng panig militar ang 80 armadong tauhan sa mga operasyon laban sa terorismo sa nakalipas na 24 oras.
Ang naturang mga armadong tauhan ay nabibilang, pangunahin na, sa mga grupo ng Taliban at Islamic State (IS).
Bukod dito, naaresto rin ang iba pang 17 armadong tauhan.
Hindi pa inilalabas ng Afghanistan ang pangalan at nasyonalidad ng naturang mga armadong tauhan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |