Mga opisyal na Tsino at Kambodyano sa seremonya ng pagtatapos ng proyekto
Natapos kamakailan ang konstruksyon ng proyekto ng looped network power transmission sa Phnom Penh, Kambodya, sa ilalim ng tulong ng Tsina.
Sa seremonya ng pagtapos ng proyekto, sinabi ni Suy Sem, Ministro ng Mineral at Enerhiya ng Kambodya, na ang pagpapaunlad ng enerhiya at paghahatid ng koryente ay mga larangang may priyoridad ng pamahalaan ng Kambodya. Aniya, pagkaraang isaoperasyon ang naturang proyekto, magdodoble ang bolyum ng koryenteng maihahatid sa Phnom Penh at ilang lalawigan sa paligid nito. Sa pamamagitan nito aniya, pabubutihin ang pagsuplay ng koryente sa naturang mga lugar, at makakabuti rin ito sa konstruksyon ng mga imprastruktura.