Ayon sa media ng Myanmar, ipinahayag kamakailan ng Ministri ng Komersyo ng bansang ito, na ang reporma ng bagong pamahalaan sa sistemang pangkabuhayan ay magsisimula sa aspekto ng pag-aangkat at pagluluwas. Iniharap ng bagong ministro ng komersyo ang kahilingang triplehin ang bolyum ng pagluluwas.
Ayon sa naturang ministri, palalakasin muna ang mga produktong kinakailangan sa loob ng bansa, para bawasan ang pag-aangkat. Samantala, pasisiglahin din ang pagluluwas ng mas maraming produkto.
Sa kasalukuyan, malaki ang trade deficit ng Myanmar. Ang pamumuhunan nito ay pangunahing pumunta sa mga sektor ng konstruksyon, handicraft, paggawa ng damit, at serbisyo. Kakaunti sa agrikultura, komunikasyon, at transportasyon.
Salin: Liu Kai