Opisyal na idinaos nitong Martes, Mayo 3, 2016, sa Multi National Coordination Centre (MNCC) sa Bandar Seri Begawan ng Brunei, ang seremonya ng pagbubukas ng ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) Defence Ministers Meeting-Plus (ADMM Plus) Maritime Security and Counter Terrorism Exercise.
Lumahok sa naturang pagsasanay ang tropang pandagat ng 10 bansang ASEAN, Tsina, Rusya, Amerika, Hapon, Timog Korea, Australia, New Zealand, at India.
Ang nasabing pagsasanay ay kinabibilangan ng dalawang yugto. Ang unang yugto ay tumatagal mula unang araw hanggang ika-4 ng buwang ito at ang ikalawang yugto ay idaraos mula ika-5 hanggang ika-8 ng buwang ito.
Lumahok sa nasabing pagsasanay ang Lanzhou 170, isang bapor na pandigma ng Tsina, 12 kawal ng SWAT at 4 na staff officers ng tropang pandagat.