Idinaos nitong Martes, Mayo 3, 2016, sa Frankfurt ng Alemanya, ang ika-19 na pulong ng mga ministrong pinansiyal at gobernador ng bangko sentral ng mga bansang ASEAN, Tsina, Timog Korea at Hapon (10+3).
Ipinalalagay ng pulong na ito na mananatili pa ring mabilis ang pag-unlad ng kabuhayan ng Silangang Asya, samantala, kakaharapin din nito ang mga hamon na dulot ng mahinahong paglaki ng kabuhayang pandaigdig, agwat sa pagitan ng mga patakaran ng pananalapi at deflation.
Nanawagan ang pulong na ito sa mga kalahok na bansa na gamitin ang mga kinakailangang patakaran para pasulungin ang sustenableng pag-unlad ng kabuhayan, pasiglahin ang pananalig sa pamilihan, at pahigpitin ang pangangasiwa at pagsusuperbisa sa pinansiya at pagpasok-labas ng mga malaking bolyum ng pondo.
Sinabi ni Lou Jiwei, Ministro ng Pananalapi ng Tsina, na itatatag ng Tsina ang isang pundasyon na nagkakaroon ng 3 milyong Dolyares para katigan ang konstruksyon ng mga organo ng "10+3" at mga kooperasyon sa kabuhayan at pinansiya.